Pangulong Duterte, pinayuhan ang publiko na manatiling kalmado kasabay ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na manatiling kalmado kasabay ng pagdedeklara niya ng martial law sa Mindanao.

Ayon sa pangulo, walang dapat ikatakot ang ating mga kababayan dahil pauwi na siya ng Pilipinas.

Oras na anya na dumating siya ng bansa ay agad niyang aayusin ang nasabing problema.


Kasabay nito, personal na humingi ng paumanhin ang pangulo kay Russian President Putin dahil sa biglaan niyang pag-uwe ng bansa.

Gayunman sinabi ng pangulo na naging maganda ang kanilang pag-uusap.

* DZXL558*

Facebook Comments