Pangulong Duterte, pinayuhan ng mga doktor na magpahinga muna ng ilang araw

142

Pinayuhan ng mga doktor si Pangulong Rodrigo Duterte na magpahinga ng ilang araw.

Ito’y matapos siyang malamang mayroong muscle spasms ang pangulo.


Ayon kay Sen. Bong Go, sumailalim ang pangulo sa MRI Scan at sinuri siya ng mga Neurosurgeons.

Pero tiniyak ni Go na walang dapat ikabahala sa kalagayan ng pangulo.

Tiniyak din ng Senador na susunod ang pangulo sa mga payo ng kanyang mga doktor at walang magiging pagbabago sa kanyang mga Official at Public Activities.

Nakatakdang makipagkita ang pangulo kay Chinese Vice Premier Hu Chunhua, at dadalo sa ASEAN Leaders Summit sa Bangkok, Thailan sa November 2 at 4.

Facebook Comments

From Advertisers