Manila, Philippines – Pinayuhan ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang Pangulong Duterte na sa susunod na mga malalaking event, sa bansa man o sa labas ng Pilipinas, ay dapat manamit ito ng maayos.
Pinuna ng kongresista ang hindi maayos na pagsusuot ng barong ng Presidente sa katatapos na 31st ASEAN Summit.
Tingin ni Erice, nakakababa ng pagtingin sa isang lider ng bansa ang hindi man lang maayos na pagsusuot nito ng barong.
Hindi aniya dapat ganito ang isang lider lalo’t kinakatawan niya ang buong bansa sa isang international major event.
Nanghihinayang naman ang kongresista dahil hindi natalakay ang human rights na hindi lang naman isyu ng Pilipinas kundi isyu rin ng maraming bansa sa ASEAN.
Facebook Comments