Pangulong Duterte, pinili Duterte na manatili sa Mindanao sa kabila ng nagpapatuloy na krisis sa Marawi City

Manila, Philippines – Kahit na nagpapatuloy pa rin ang krisis sa Marawi City at Patikul, Sulu mas pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa Mindanao.

Kaya naman, muli ring nanindigan si Pangulong Duterte na ‘pag dating sa martial law tanging Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police lamang ang kanyang pakikinggan.

Una rito, sinabi ng pangulo na hindi niya pakikinggan ang Korte Suprema at kongreso tungkol sa idineklara niyang batas militar sa Mindanao.


Sa ilalim kasi ng 1987 constitution, nililimitahan nito ang kapangyarihan ng pangulo sa pagdedeklara ng martial law kontra sa posibleng pang-aabuso.

Pero kaagad namang nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga sinabing ito ng pangulo.

Hindi naman na-alarma rito si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, posibleng hindi na maghintay ng matagal bago matapos ang krisis sa Marawi City, lalo na ngayong hawak na ng militar ang buong lungsod.

Sa ngayon ay umaabot na sa 98 ang napapatay sa bakbakan sa Marawi… kung saan 61 sa mga ito ay mga miyembro ng Maute group.

Habang 18 naman ang nalagas mula sa puwersa ng AFP at PNP at 19 naman sa mga napatay ay pawang mga sibilyan.

DZXL558

Facebook Comments