Pangulong Duterte, pinlano na noon ang martial law-Makabayan Group

Manila, Philippines – Naniniwala ang Makabayan Bloc sa kamara na plano na noon pa man ni Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law sa buong bansa na ngayon ay sinisimulan na sa Mindanao.

Ayon kay ACT Teacher Rep. Antonio Tinio, naniniwala silang sa simula pa lamang ay nais na ng pangulo na unti-unting pairalin ang batas militar.

Hinala ni Tinio na kaya pinuno ng pangulo ang mahahalagang posisyon sa gobyerno ng mga retiradong heneral ng militar ay para mapaghandaan ang martial law.


Nababahala sila na masyadong madali para sa pangulo ang magdeklara ng batas militar sa buong bansa at ginagamit na dahilan ang terorismo.

Duda naman si anakpawis Rep. Ariel Casilao kung Maute Group o ISIS lamang ang dahilan ng banta ng pangulo.

Posibleng target din umano dito ang mga rebeldeng komunista lalo pa at mga hinasa ng central intelligence agency ng Amerika ang mga dating heneral na nasa paligid ni Duterte.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments