Manila, Philippines – Muling pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front sa pangunguna ni Chair Al Haj Murad Ebrahim sa Palasyo kahapon.
Kasama din sa pulong sina Bangsamoro Transition Commission o BTC Chair Ghazali Jaafar at MILF peace implementing panel Chair Mohagher Iqbal.
Sa panig naman ng pamahalaan ay kasama sa din sa pulong ang mga miyembro ng gabinete ng Pangulo na sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Interior and Local Government Acting Secretary Catalino Cuy.
Wala pa namang inilalabas na detalye ang Palasyo patungkol sa kung ano ang napag-usapan sa nangyaring pulong na naganap ngunit posibleng isa ang isyu ng Bangsamaro Basic law sa napag-usapan ng Pangulo at ng pamunuan ng MILF.