Pangulong Duterte, pinuri ang militar sa matagumpay na operasyon sa Sulu

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na paigtingin ang operasyon nito para mapanatli ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng kanyang pagpuri sa mga miyembro ng Joint Task Force Sulu ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP WesMinCom) sa matagumpay na operasyon na ikinasawi ng pitong miyembro ng Abu Sayaff sa Sulu noong November 3.

Ayon kay Pangulong Duterte, kinikilala niya ang kagitingan at alisto ng mga sundalo sa paglaban sa mga terorista.


Ipinaaabot ng Pangulo ang kanyang saludo sa tropa ng pamahalaan na patuloy na lumalaban para sa bansa.

Ang kanilang dedikasyon sa sinumpaang tungkulin ay nagpapatibay sa pangako ng administrasyon na protektahan ang mamamayan at mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Nangako si Pangulong Duterte na patuloy niyang susuportahan ang mga unipormadong tauhan ng gobyerno at kanilang pamilya.

Facebook Comments