Pangulong Duterte, pinuri ang Task Force on Zero Hunger

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malalagpasan ng Pilipinas ang hamong dala ng COVID-19 pandemic.

Umaasa ang Pangulo na magkakaroon ng matibay at maayos na kinabukasan para sa mga Pilipino sa harap ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno para matugunan ang gutom at kahirapan sa bansa.

Pinuri din ng Pangulo ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger dahil sa sipag at dedikasyon nitong malabanan ang problemang panlipunan sa bansa.


Ang National Food Policy ay welcome development hindi lamang sa pagresolba sa gutom at malnutrisyon pero sa pag-abot sa food security.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, layunin ng National Food Policy na mapagtibay ang government agencies at local government units sa pagbibigay ng interventions para tapusin ang gutom, maabot ang food security.

Target din nitong mabawasan ang hunger rate ng bansa sa pre-pandemic level.

Nitong January 2020 nang maglabas ang Pangulo ng Executive Order No. 101 na siyang nagtatag sa task force na tututok sa problema sa involuntary hunger, food security at undernutrition.

Facebook Comments