Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maghahanap ng pondo na maaaring gamitin para makabili ng high-flow nasal cannula devices.
Ang nasabing device ay ginagamit para tulungan ang mga pasyenteng may COVID-19 na kinakapos sa oxygen.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gawa sa New Zealand ang mga naturang device at kakaunti lamang ang suplay.
Tinanong din ni Pangulong Duterte sa pulong nito sa mga eksperto kung ano ang mga available na gamot pero wala pang datos na nagpapakita na epektibo ang mga ito.
Natanong din ng Pangulo kung maaari pang magbukas ng ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang tugon ng mga eksperto ay pwede itong gawin basta mayroong epektibong pagpapatupad ng localized lockdowns at scaled-up testing, tracing, isolation at treatment.
Sa ngayon, ang Pamahalaan ay nakapagpalabas na ng ₱374.89 billion para pondohan ang COVID-19 response efforts.