Pangulong Duterte, planong magpahinga ng isang Linggo pagkatapos ng ASEAN Summit

Presidential Photo

Planong magpahinga ng hanggang isang Linggo si Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng nakatakda niyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand sa November 2 hanggang 4.

Ayon kay Sen. Bong Go, sa Davao gugugulin ng pangulo ang kanyang one week break.

Pero tiniyak ni Go na patuloy pa ring magtatrabaho ang pangulo at hindi siya kukuha ng leave of absence.


Matatandaang mayroong Lumbar Muscle Spasms ang pangulo na dulot ng pagkahulog niya sa motorsiklo.

Facebook Comments