Manila, Philippines – Planong makipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Indonesia at Malaysia para palakasin ang kooperasyon laban sa terorismo.
Ayon kay Pangulong Duterte, naghahanap na lamang ng tamang panahon at lugar silang tatlo para ilatag ang napapanahong kooperasyon.
Nagkakawatak-watak na aniya ang ISIS dahil sa mahigpit na pandaigdigang pagkilos laban sa kanila.
Sabi ng pangulo, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa Marawi kaya pagtitiyak nito – tatapusin niya ang banta ngayong taon.
Pinatututukan rin niya sa mga sundalo ang ‘spill-over’ sa Maguindanao na karahasang hinihahasik ng Maute-ISIS group.
Facebook Comments