Naniniwala si Malacañang na maaari pa ring magkaayos sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi nila inaalis ang posibilidad na ieendorso ni Pangulong Duterte si Pacquiao sa susunod na halalan.
“Hindi naman po definitely because in the realm of politics, although I’m not a veteran person in politics ‘no, anything is possible,” sabi ni Roque.
Sinabi rin ni Roque na hindi sang-ayon si Pangulong Duterte na patalsikin sa pwesto si Pacquiao mula sa PDP-Laban, lalo na at pinangungunahan ito ng Senator Aquilino Pimentel III.
“The President realizes that the PDP naman po ay talagang halos wala nang miyembro iyan bago siya pumunta diyan at kinikilala naman po niya na ang PDP ay partido ng mga Pimentel,” ani Roque.
Si Pangulong Duterte ang chairperson ng ruling PDP-Laban habang si Pacquiao ang tumatayong presidente ng partido.