Pangulong Duterte, posibleng bumisita sa mga sundalong biktima ng pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu

Kung walang magiging balakid at matutuloy ang plano ay posibleng bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa naganap na pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sadyang nalulungkot ang pangulo sa nangyaring insidente.

Umapela rin ito sa lahat na hayaan munang tapusin ang imbestigasyon at wag munang maglabas ng mga espekulasyon.


Hindi naman masabi pa sa ngayon ng kalihim kung kailan posibleng bumisita si Pangulong Duterte sa mga biktima ng plane crash.

Kasunod nito, hindi aniya magiging dahilan ang aksidenteng ito sa Sulu upang hindi ituloy ang modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Kailangan aniya ng mga karagdagan at modernong kagamitan ng ating mga sundalo para mapalakas ang kanilang kapasidad.

Samantala, walang aasahang Talk to the People mamayang gabi si Pangulong Duterte.

Posible ani Roque na bukas na magkaroon ng ulat sa bayan ang Pangulo.

Facebook Comments