Gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang vaccine diplomacy para palakasin nag supply ng COVID-19 vaccines sa bansa at mas maraming Pilipino ang maprotektahan laban sa sakit.
Matapos makipag-usap ni Pangulong Duterte kay Russian President Vladimir Putin, plano rin ng Pangulo na makausap si Indian Prime Minister Narendra Modi para pag-usapan ang potensyal na vaccine supply.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang eksaktong schedule ng pag-uusap ng dalawang lider pero.
Pero ang India aniya ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ng supply ng bakuna.
Bago ito, nilagdaan ng Pilipinas ang supply agreement sa Serum Institute of India para sa 30 million doses ng Novavax vaccines.
Naisapinal ito sa pamamagitan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa kaniyang pagbisita sa India noong nakaraang buwan.
Ang pharmaceutical giant ay pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo.