Pangulong Duterte, posibleng magpatawag ng virtual press briefing – Malacañang

Pinag-uusapan pa sa Malakanyang ang posibilidad na magpatawag ng press briefing si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa gitna ng mga agam-agam na mayroon malubhang karamdaman ang Pangulo lalo na’t isang beses lamang ito nagpapakita sa publiko pamamagitan ng kaniyang public address na minsan pa ay recorded.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung mangyayari man ito, gagawin ito sa pamamagitan ng virtual press briefing na gaya ng kaniyang ginagawa.


Ibig sabihin, live na haharap ang Pangulo sa camera at live din na makakapagtanong ang mga reporter.

Giit pa ni Roque, isang abugado ang Pangulo at batid nito ang nakasaad sa Konstitusyon na nagsasabing dapat isapubliko kapag may malubhang kalagayan ang pinuno ng bansa.

Pagtitiyak ni Roque, maayos ang kalusugan ng Pangulo at walang dapat ipag-alala ang publiko at walang pangangailangan na maglabas ng medical bulletin ang Palasyo.

Facebook Comments