Manila, Philippines – Malaki pa rin ang posibilidad na maharap si Pangulong Duterte sa impeachment complaint dahil sa mistulang sell out nito sa teritoryo ng bansa sa China particular ang Benham Rise.
Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, nababahala siya na tila binabalewala ng Pangulong Duterte ang panghihimasok ng China Sa mga teritoryo sa bansa at ikinakaalarma naman na ito ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Higit na ikinakapangamba ng kongresista ang kumpirmasyon ng Pangulo na binigyan niya ng permiso ang mga Chinese na pumasok sa Benham Rise.
Malinaw aniya na treason ito na pagtataksil sa soberenya ng bansa dahil mistulang sellout ang pakikipagkasundo ng pangulo sa China na nangangamkam ng teritoryo ng bansa.
Dagdag ng kongresista, magiging kapalit lamang nito ay ilang bilyong dolyar na pautang sa bansa.