Posibleng dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng tatlong bangka na tumaob sa Iloilo at Guimaras.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng pangulo na personal na makiramay sa mga naulilang pamilya.
Tiniyak rin ng palasyo ang agarang tulong para sa mga ito.
Muli ring nagpaalala ang palasyo sa mga responsableng ahensya na nagbibigay ng permit sa mga bangka para makapaglayag na maging mas mahigpit para maiwasan ang kaparehong insidente.
Facebook Comments