Pangulong Duterte, posibleng tumakbong senador sa 2022 national elections

Posibleng tumakbo sa pagkasenador sa 2022 national elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung makukumbinsi ang pangulo ng kaniyang mga kaalyado sa kabila ng kaniyang desisyon na magretiro sa politika sa susunod na taon.

Ayon kay PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi, kung tatakbong senador si Pangulong Duterte ay siya na ang magiging campaign manager nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go, na presidential at vice presidential bets ng partido sa halalan.


Maisusulong din nito ang mga reporma na nais ng PDP-Laban sa lehislatura at mapapalakas ang Dela Rosa-Go tandem dahil sa mataas na approval rating nito.

Wala namang magiging problema sakaling magpasya ang pangulo na tumakbong bise presidente dahil ang Go-Duterte tandem ang orihinal na plano ng kanilang partido.

Sa ngayon, wala pang tugon ang malakanyang hinggil dito.

Facebook Comments