Nagpatawag ng special meeting bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasama ang mga infectious disease experts upang pag-usapan ang panibagong strain ng Coronavirus Disease.
Ayon Presidential Spokesperson Harry Roque, tatalakayin sa pulong ang panibagong strain ng COVID-19 na nakita sa United Kingdom.
Sinabi naman ni Senator Bong Go na labis silang nag-alala ng Pangulo kaugnay ng panibagong strain ng virus.
Dahil dito, nagpasya ang Pangulo na putulin o paiksiin ang kanyang Christmas break sa Davao City.
Ang nasabing pagpupulong ay gaganapin sa Malacañang sa ganap na alas-6:00 ng gabi.
Facebook Comments