Manila, Philippines – Sa layuning mas mapalakas pa ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan magtutungo sa nasabing bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa 3 day working visit.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Asec. Rob Bolivar kung saan sinabi nitong nasa Japan ang pangulo simula Oct 29-31.
Inaasahang pag-uusapan nila Pangulong Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga usapin hinggil sa ekonomiya, industrial, social and security arena.
Posible ding matalakay sa pulong ang regional developments, kasama na ang peace and stability partikular sa Korean Peninsula.
Kabilang din sa agenda ng 2 lider ang preparasyon para sa nalalapit na 31st Asean summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.
Facebook Comments