Pangulong Duterte, pwede lamang magpabakuna ng ‘Sputnik V’ kung aprubado ito ng FDA at DOH, ayon sa PSG

Iginiit ng Presidential Security Group (PSG) na maaari lamang mabakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang Russian COVID-19 vaccine na ‘Sputnik V’ kung aprubado ito ng local health authorities.

Nabatid na nagboluntaryo ang Pangulo na unang makatanggap ng bakuna mula sa Russia.

Ayon kay PSG Commander Colonel Jesus Durante III, nais nilang makatiyak na ligtas ang gagamiting bakuna.


Mahalagang aprubado ang Russian vaccine ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA).

Una nang sinabi ng Malacañang na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Russia para sa vaccine trials, production at supply nito.

Facebook Comments