Pangulong Duterte, pwedeng tumakbo sa pagka-VP pero wala pang desisyon – ayon sa Palasyo

Masyadong premature para magsampa ng reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may kinalaman sa posibleng pagtakbo niya sa pagkabise-presidente sa susunod na taon.

Ito ang sagot ng Malacañang sa pagkukuwestyon ng ilang grupo sa tila pagtatangka ng pangulo na pahabain ang kanyang pananatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng vice presidency.

Paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang pinal na desisyon si Pangulong Duterte ukol dito.


Pero sa mga gustong hamunin ang legalidad ng vice presidential bid ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema, malaya nilang gawin ito basta mayroong legal standing.

Muling iginiit ni Roque na hindi ipinagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon na tumakbo si Pangulong Duterte sa pagkabise-presidente.

Facebook Comments