Buo na ang desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte na huwag lumahok sa 2022 presidential race.
Sa interview ng SMNI News Channel na ibinahagi sa Facebook nitong Sabado, inalis na ni Pangulong Duterte ang posibilidad na pakinggan ng kanyang anak ang panawagan ng mga supporters nitong tumakbo sa pagkapangulo.
“Inday is definitely out as she has said earlier and for the oft-repeated statements in so many…I think interviews, she’d always maintain that she’s not running. She was just true to her words,” saad ng Pangulo.
Sa kabila ng desisyon na tapusin ang kanyang huling termino bilang alkalde ng Davao, sinabi ng Pangulo na pwede pa namang tumakbo si Mayor Sara sa mas mataas na posisyon sa gobyerno sa hinaharap.
“Inday is young, and there will always be some opportunities in the future for her. Not necessarily the presidency, but one of those options in life, especially if you’d think of the imponderables of life, di talaga natin malaman,” dagdag niya.
Miyerkules, October 6 nang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang alkalde sa Davao City.
Kagabi naman nang ianunsyo ng Office of the City Mayor na nagpositibo si Mayor Sara sa COVID-19.