Pangulong Duterte, sa Davao sasalubong ng Bagong Taon

40

Tulad ng nakagawian, sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon sa kanyang hometown sa Davao City.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kasama ng Pangulo ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avanceña, gayundin ang kanyang mga anak at apo sa bahay nila sa Davao.

Samantala, posibleng bisitahin ng Pangulo ang mga kababayan nating biktima ng Bagyong Odette pagkatapos ng Bagong Taon.


Matatandaang bago mag-Pasko, nagtungo si Pangulong Duterte sa Puerto Princesa, Palawan, Siargao Island, Dinagat Islands, Negros Occidental at iba pang mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette kung saan namahagi siya ng tulong sa mga apektadong residente.

Facebook Comments