Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa na ang batas na magtatatag sa departmento ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Matatandaan na una itong hiniling ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.
Buwan ng Marso nang pumasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 5832 o An Act Creating the Department of Filipinos Overseas (DFO), na may layuning tugunan ang mga hinaing ng mga OFWs, kasama na ang mga seafarers, na nasa abroad, yung mga nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW, at lahat ng Pilipinong nasa iba’t ibang bansa.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang kasalukuyang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang magiging central body ng departamento, habang ililipat dito ang functions ng Commission on Filipino Overseas, Office of Migrant Workers Affairs, Philippine Labor Offices, at International Affairs Bureau kung saan magiging attached agency ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.