Pinangaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang higit 40 mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na ipinatawag nito sa Malakanyang kagabi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kabilin-bilinan aniya ng Pangulo sa mga taga-Immigration na kailangan na talagang matuldukan ang korapsyon hindi lang sa BI kundi sa buong gobyerno.
Ayon kay Roque, gusto sanang ipakain ni Pangulong Duterte sa mga ito ang ipinamigay na mga pastillas ng pera pero nagbago ang isip dahil naroon si Justice Secretary Menardo Guevarra at sinabing baka naman makasuhan siya kaya hindi na ito ipinilit pa.
Sinabi pa aniya ng Pangulo sa mga taga-BI na dipensahan ang kanilang mga sarili, kung hindi ay tiyak na makakalaboso ang mga ito.
Facebook Comments