Pangulong Duterte, sasalubungin mamayang gabi ang pinakamalaking shipment ng Sputnik V na darating sa bansa

Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi ang darating na pinakamalaking shipment ng Russian made COVID-19 vaccines ng Sputnik V.

Magaganap ito sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan inaasahang aabot sa 2,805,000 doses ng bakuna ang darating sa pamamagitan ng Air Bridge Cargo Airlines.

Makakasama ni Pangulong Duterte sa pagsalubong sina Russian Ambassador Marot Pavlov, National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. at Department of Health Secretary Francisco Duque III.


Pre-cleared na rin ng “One Stop Shop” ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang naturang shipment matapos nitong matanggap ang mga advance document para sa beripikasyon at releasing.

Matatandaang nitong Miyerkules unang dumating ang 2.7 million Sputnik V vaccine sa NAIA Terminal 2 sakay ang Philippine Airlines chartered flight mula Moscow.

Facebook Comments