Pangulong Duterte, satisfied sa ‘white sand’ project sa Manila Bay

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang artificial white sand beach sa Manila Bay.

Ito ang sinabi ng Pangulo kasunod ng pagbubukas ng Manila Bay sa kabila ng pagbalewala sa minimum health protocols ng ilan sa mga bumisita.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na napapakinabangan na ng mga tao ang mga ginagawang aksyon ng pamahalaan.


Binati rin ng Pangulo si Environment Secretary Roy Cimatu dahil tinupad nito ang pangakong linisin ang Manila Bay.

Dagdag pa ng Pangulo na napabilib siya sa kinalabasan ng proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdagsa ng mga tao sa Roxas Boulevard ay patunay na ginawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang tamang desisyon.

Umapela ang Malacañang sa Manila Police na tiyaking nasusunod ang health protocols sa lugar para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments