Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso na niyang ikinokonsidera ang pagtakbo sa pagka-bise presiente sa 2022 elections.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, ang mananalong presidente ay dapat kanyang kaibigan o kaalyado dahil kung hindi ay mawawalan lamang ng saysay ang kanyang pagtakbo.
“On the proposition that I run for Vice President, medyo I am sold to the idea. Meaning to say I am seriously thinking of running for vice president,” sabi ng pangulo.
“But let me dwell on the reality of things: If I run for vice president tapos ang presidenteng na-elect hindi ko kaibigan, the situation would arise I would remain an inutile thing there,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Gayumpaman, sinabi ni Pangulong Duterte na sisikapin pa rin niyang maging productive sakaling mangyari ito.
Kung ipupursige niya ang vice presidential bid, hinimok niya ang kanyang partido na huwang magbitaw ng anumang pangako.