Pangulong Duterte, sinabing CIA ang sisihin sakaling siya ay mamatay

412

Manila, Philippines – Nagmistulang nagpa-blotter si Pangulong Rodrigo Duterte nang ipahiwatig nito na pinagtatangkaan ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos ng Amerika ang kanyang buhay.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa relaunch ng bagong gawang press briefing room sa New Executive Building sa Malacañang ay sinabi nito na kung siya ay mapatay o may hindi magandang mangyari sa kanya ay ang CIA lang ang may gawa nito.

Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya tulad ng mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas at darating aniya ang araw na paaalisin niya ang mga ito sa bansa.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na sa magaganap na ASEAN Leaders Summit sa Nobyembre ay ibubuga niya ang lahat at sasabihin ang mga dapat sabihin sa mga dadalong pinuno ng bansa.

Matatandaan na kinumpirma na ng White House na dadalo si US President Donald Trump sa ASEAN Summit sa Nobyembre.

Facebook Comments