Pangulong Duterte, sinupalpal si VP Robredo dahil sa patuloy na pamumuna sa COVID-19 response ng pamahalaan

Hindi na nakapagtimpi si Pangulong Rodrigo Duterte at muling binanatan si Vice President Leni Robredo dahil sa patuloy niyang pamumuna sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos niyang patutsadahan ang Bise Presidente at ibang kritikong “dilawan” na walang ginawa kundi punahin ang mga kamalian ng gobyerno sa pandemya.

Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring magsagawa ng spraying ang pamahalaan sa buong bansa gamit ang pesticide para tuluyang puksain ang virus.


Nakiusap si Pangulong Duterte kay Robredo at sa iba pang kritiko na huwag nang linlangin ang publiko.

Iginiit ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang makakaya nito para malabanan ang outbreak habang hinihintay ang bakuna.

Nanindigan din ang Pangulo na ang tanging paraan para mawala ang virus ay sa pamamagitan ng bakuna.

Kailangang sumunod ang publiko sa health standards tulad ng pagsusuot ng masks para maiwasan ang hawaan.

Tanong pa ng Pangulo sa mga kritiko kung ano pa ba ang mga gusto nito lalo na at nagkakaroon na ng improvement sa health care capacity ng bansa.

Facebook Comments