Manila, Philippines – Muling susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Marawi City ngayong araw.
Ayon kay Pangulong Duterte – ito ay para maiparamdam ang pakiki-isa sa tropa ng pamahalaan na nakikipag-bakbakan sa Maute terror group.
Noong huli aniyang tangka niyang pagpunta sa Marawi City, umuulan at hindi makalapag ang kanyang sinasakyang eroplano.
Bukod dito, hindi siya makababa ng mas malapit dahil baka matsambahan siya ng barrett ng caliber 50.
Biro pa ng nito, maski tamaan daw siya sa pwet huwag lamang sa harap, gusto niya talagang pumunta sa Marawi City dahil ayaw umano niyang makarating doon na peaceful o maayos na ang sitwasyon.
Una nang sinabi ni Duterte na sa loob ng sampu hanggang labing limang araw ay posibleng ‘okay’ o tapos na ang krisis sa Marawi City.