Nananatiling suportado si Pangulong Rodrigo Duterte sa Gender Equality Bill pero tutol sa Same-Sex Marriage.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng congressional hearing sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression Equality o SOGIE bill, ang panukalang layong magbigay ng proteksyon sa mga miyembro ng Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender, Queer o LGBTQ Community mula sa diskriminasyon, harassment at karahasan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sang-ayon ang Pangulo na magkaroon ng church o civil marriage para sa same sex couples.
Pero malinaw aniya para sa Pangulo na ang lahat ng Pilipino ay pantay-pantay anuman ang kanilang kasarihan.
Sinabi pa ni Roque, na hahayaan na niya sa Kongreso na magpasya sa proposed SOGIE measure.
Matatandaang naghayag ng suporta ang Pangulo noon sa pagsasalegal sa gay marriage pero inatras niya ang kanyang posisyon.
Katwiran ng Pangulo, ang kasal sa Pilipinas ay para lamang sa babae at lalaki.
Kamakailan, inendorso ni Pope Francis ang same-sex civil union.