Pangulong Duterte, suportado ang pagbasura ng DND sa kasunduan nila ng UP

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na ibasura ang kasunduan nila ng University of the Philippines (UP).

Ito ay kasunod ng ipinadalang sulat ni Secretary Delfin Lorenzana sa pamunuan ng UP na tuluyan na nilang ibinasura ang 1989 Soto-Enrile accord na layong pagbawalan ang mga pulis at militar na makapasok sa loob ng institusyon nang walang pahintulot.

Ayon kay Roque, suportado ng Pangulo si Lorenzana dahil ito ang nagsisilbi niyang “alter ego”.


Dagdag pa ni Roque, bilang graduate ng UP at naging propesor din dito ay hindi niya naranasan na mayroong mga presensiya ng pulis sa loob ng institusyon.

Iginiit din niya na kahit sa ibang bansa ay mayroong mga pulis na nakikita sa mga campus ngunit hindi naman nalalabag ang kanilang academic freedom.

Facebook Comments