Pangulong Duterte, suportado ang paggamit ng COVID-19 saliva test

Dapat nang magamit sa Pilipinas ang COVID-19 saliva test na mas madali at mas mura.

Nitong Agosto 2019, sinabi ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang paggamit ng saliva-based COVID-19 test pero hindi ito natapos.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, binanggit ni Pangulong Duterte ang hirap kapag kinukuhanan ng sample sa ilalim ng RT-PCR swab test.


Iginiit naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangang pag-aralan ang saliva test.

Ipinadala ang rekomendasyon sa Philippine Red Cross noong Nobyembre kabilang ang pagsasagawa ng pag-aaral, itaas ang bilang ng mga partisipante para sa trial nito, at pagkuha ng approval mula sa Food and Drug Administration.

Una nang ibinunyag ng PRC na nakapagtala ang Estados Unidos ng 99-percent detection rate para sa saliva test sa isang milyong subjects nito na sinuri para sa COVID-19.

Facebook Comments