Pangulong Duterte, suportado ang pagkakaroon ng Joint Exploration sa South China Sea o West Philippine Sea

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na makipagtulungan sa ibang bansa para sa exploration at extraction ng minerals at gas resources sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, basta susunod sa mga itinakda ng saligang batas at mga umiiral na batas sa ating bansa ay bukas si Pangulong Duterte na makipagtulunga sa mga bansa na interesado sa exploratoion at extraction.
Matatandaan na una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mayroon na siyang kinakausap kaugnay sa oil exploration sa West Philippine Sea pero hindi naman kinumpirma ni Pangulong Duterte kung China ang kanyang kausap na Bansa.
Wala pa namang inilalabas na kongkretong pahayag ang Malacanang sa umanoy pagpapadala ng China ng mga barko sa West Philippine Sea sinabi lang ni Abella, ay ibeberipika pa ito ng Department of National Defense.
Samantala, bibisitahin naman mamaya ni Pangulong Duterte ang Ozamis City Police Station para kausapin ang mga Pulis, kung saan naka distino si Police Chief Inspector Jovi Espinido na nanguna sa operasyon na naging dahilan ng pagkakapatay kay Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na inilibing na kahapon.

Facebook Comments