Pangulong Duterte, suportadong armasan ang anti-crime volunteers

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang bagong coalition of volunteers na tutulong sa pwersa ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Duterte na ang anti-crime volunteers ay maaaring mag-apply ng gun permit para pwede silang makatulong sa pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ng Pangulo, ang mga volunteers ay ikinokonsiderang “force multipliers” ng pamahalaan na maaaring magsagawa ng “citizen’s arrest” sakaling may masaksihang krimen sa kanilang komunidad.


Iginiit ni Pangulong Duterte na ang mga kriminal dapat ang mamatay at hindi sila na tagapagpatupad ng batas.

Nagbigay rin ng lecture si Pangulong Duterte sa mga volunteers tungkol sa criminal procedure, partikular sa pag-aresto at pagsamsam.

Aniya, ang mga pulis ay maaaring gumamit ng pwersa kapag tatanggi ang crime suspect na magpaaresto.

Bagama’t mahalaga ang papel ng mga pulis sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan pero kailangan din ng aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan.

Sa huli, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga volunteers na mula sa iba’t ibang sektor bilang mga “bagong batch” ng mga bayani.

Facebook Comments