Pangulong Duterte susunod na sisilipin ang mga kontratang pinasok ng gobyerno na may kinalaman sa pang araw araw na kinukonsumo ng publiko

Sa harap ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa concession agreement na pinasok ng pamahalaan at ng dalawang water concessionaires, inihayag ng Palasyo na may mga isusunod pang sisilipin ang Pangulo.

 

Ito ay sa kagustuhan narin ng Pangulo na mabigyan ng proteksyon ang mga consumers na kumokonsumo ng mga pangunahing pangangailangan araw- araw.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, posibleng isunod na ng Punong Ehekutibo ang usapin sa binabayarang konsumo sa kuryente ng mga consumers.


 

Sinabi ni Panelo na hindi palalampasin ng Pangulo ang anumang makikita nitong iligal kung saan talo o agrabyado ang publiko.

 

Pagtiyak pa ng tagapag-salita, iisa-isahin ng Presidente ang mga napasok na kontrata ng gobyerno na nasimulan na sa tubig at inaasahang isusunod ang kuryente, transportasyon, telekomunikasyon at iba pa.

Facebook Comments