Pangulong Duterte, tatakbong senador ayon kay Senador Go

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kakandidato sa pagka-senador sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Go, isang abogado ang maghahain ng ng Certificate of Candidacy (COC) ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections (COMELEC).

Unang umugong ang posibilidad na tumakbong bise presidente si Pangulong Duterte para maka-tandem ni Senator Go na kandidato sa pagka-pangulo.


Pero diin ni Go, ayaw niya itong mangyari dahil ayaw niyang magkasakitan si Pangulong Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na pambato ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pagka-bise presidente.

Facebook Comments