Manila, Philippines – Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan ang otoridad na magsagawa ng anti-illegal drug operations sa buong bansa.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni Pangulong Duterte kahapon, Bilang pagsunod narin sa Republic Act Number 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act iniuutos ni Pangulong Duterte sa PNP,. Armed Forces of the Philippines, National Bureau of investigation, Bureau of Customs, Philippine Postal Office at iba pang anti-drug taskforce na ipaubaya sa PDEA ang lahat ng anti-drug operations.
Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng mga nabanggit na tanggapan ng pamahalaan na ilipat narin sa PDEA ang lahat ng impormasyon at datos na may kaugnayan sa iligal na droga.
Pero inatasan din ng Pangulo ang PNP na panatiliin ang police visibility bilang deterrent sa illegal drug activities.
Pangulong Duterte, tinanggal na sa PNP ang pagsasagawa ng operasyon sa iligal na droga sa bansa
Facebook Comments