Pangulong Duterte, tinanggap nang bigo siya sa pagtulak ng Pederalismo sa bansa

755

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigo siya sa pagtutulak na gawing Pederalismong pamahalaan ang bansa.

Ayon kay Duterte, hindi niya nakuha ang suporta ng Kongreso sa kaniyang inaasam na Constitutional project.

Aniya, nais lamang ng kaniyang administration na ibigay sa mga Pilipino ang kanilang pangangailangan gaya ng trabaho, pagtitiyak sa kapayaan at seguridad at pagtatatag ng social safety nets.


Sa kabila nito, nirerespeto naman daw ng pangulo ng desisyon ng Kongreso na pangunahin sa isang demokratikong bansa.

Facebook Comments