Napukaw ang atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-parasitic drug na Ivermectin na sinasabing nakakagamot laban sa COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, tinanong ni Pangulong Duterte si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kung may mga gumaling na sa paggamit ng Ivermectin.
Sagot ni Domingo na may mga pasyenteng nagsasabi na gumaling sila sa COVID-19 nang ginamit nila ang Ivermectin.
Pero ang mga pasyente aniya ay may iniinom ding ibang gamot.
Nilinaw ni Domingo kay Pangulong Duterte na walang sapat na ebidensya na mabisa ang gamot laban sa COVID-19.
Hindi pa aniya naisasama ang Ivermectin sa protocol ng DOH para sa COVID-19 treatment.
Nasa tatlong kumpanya na ang naghayag ng intensyon na iparehistro ang Ivermectin para magamit ito sa tao.
Sa ngayon, ang kasalukuyang Ivermectin na ginagamit sa Pilipinas ay isang topical cream o ipinapahid lamang sa tao at sa hayop.
Nananatiling bawat ang distribution ng Ivermectin bilang bahagi ng treatment para sa COVID-19.