Manila, Philippines – Tinawag na ‘mapagmataas na diktador’ ni Senador Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos na tanggihan ng pangulo ang alok na ayuda ng European Union na malaking tulong sana para sa pagpapa-unlad ng Mindanao.
Ayon kay De Lima, nagawang isakripisyo ni Duterte ang kapakanan ng bansa para lamang sa kanyang political survival.
Giit pa ng Senadora, tila mas pinili ng pangulo na ipagpatuloy ang patayan sa bansa sa halip na tanggapin ang EU aids at respetuhin ang karapatang pantao.
Sinasabing tinanggihan ni Duterte ang nasa 250 million euros na tulong mula sa EU dahil na rin sa umano’y mga kondisyon nito kaugnay ng kampanya ng administrasyon kontra-droga.
DZXL558
Facebook Comments