Pangulong Duterte, tinawag na VP si SP Sotto

Pabirong tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate President Vicente Sotto III bilang “vice president”.

Sa kanyang talumpati sa Clark International Airport, natawag ni Pangulong Duterte si Sotto bilang vice president habang binabati niya ang listahan ng mga personalidad sa kanyang opening remarks.

Dito ay napakamot sa ulo si SP Sotto dahil sa gulat at humalakhak ang buong audience.


“President Gloria Macapagal Arroyo, Vice President Vicente Sotto… ay, ay, ay, ay, ay! ‘Senate President,’” sabi ni Pangulong Duterte.

Una nang sinabi ng Malacañang na welcome para sa kanila ang posibilidad na mag-tandem sina Sotto at Senator Panfilo Lacson sa pagkabise presidente at pagkapangulo sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments