Umapela ang Malacañang sa publiko na pagkatiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa usapin ng foreign policy.
Partikular na rito ang renewal ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga listahan ng military equipment at iba pang aid ang handang ibigay ng US sa Pilipinas kapalit ng renewal ng VFA.
Pero sabi ni Roque na tinitimbang pa ng Pangulo kung sapat na ba ito para muling pagtibayin ang kasunduan.
Iginiit din ni Roque na hindi dapat pine-pressure ang Pangulo hinggil dito at dapat magtiwala sa kanyang kaalaman hinggil sa pandaigdigang usapin.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagpapahintulot sa US military equipment sa bansa ay posibleng mauwi sa armed conflict sa pagitan ng US at China.