Pangulong Duterte, tiniyak na hindi nagsusungaling ang pamahalaan sa vaccination data

32

Hindi kailanman magsisinungaling ang pamahalaan patungkol sa mga datos sa COVID-19 situation, partikular sa vaccination efforts.

Nabatid na pangatlo ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa Southeast Asia sa vaccine rollout.


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pagtatakpan ng pamahalaan ang katotohanan tungkol sa mga statistics.

Aniya, ang pamemeke ng impormasyon ay may kaakibat na mabigat na parusa.

Sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na maraming grupo ang gumagawa ng pekeng datos at minamanipula ito.

Ang Pilipinas ay nakapagturok na ng higit dalawangm ilyong doses ng COVID-19 vaccines mula nitong Marso.



Nasa apat na milyong doses ng COVID-19 vaccines na ang natatanggap ng Pilipinas mula sa China, Russia at COVAX Facility.


Facebook Comments