Pangulong Duterte, tiniyak na ipaprayoridad ang mga uniformed personnel at mahihirap na Pilipino sa COVID-19 vaccine

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ayon sa Pangulong Duterte, ang unang makakatanggap ng bakuna ay ang mga mahihirap na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), gayundin ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino na wala sa listahan.

Pero binigyang- diin ng Punong Ehekutibo na bago ang mga ito ay mauuna munang bigyan ng bakuna ang mga uniformed personnel.


Una nang sinabi ng Pangulo na ipatutupad ng military ang free vaccine program laban sa COVID-19.

Iginiit din ni Pangulo na walang magiging porblema sa kaniya kung mauna man siya o huling mabigyan ng bakuna.

Matatandaan na ilang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na malapit ng dumating ang vaccine at inaasahan niyang makatatanggap siya ng supply nito mula China at Russia.

Facebook Comments