Pangulong Duterte, tiniyak na magagamit sa wasto ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na ang pondong nakalaan sa pagpapatupad ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) ay magagamit sa tamang paraan.

Sa kaniyang public address, siniguro ng Pangulo na hindi napunta sa bulsa ng mga tiwali ang pera mula sa unang Bayanihan Act na napaso na nitong Hunyo.

“I assure you that it was spent wisely, it was spent according to rules. Sinigurado ko ‘yan at the start,” sabi ng Pangulo.


Nangako ang Pangulo na magiging maingat ang gobyerno sa pagpapatupad ng Bayanihan 2 kung saan mayroong perang maaaring maipamahagi sa mga nangangailangan.

“There’s still money to be, well, given to the people, to the poor,” dagdag pa ng Pangulo.

Nabatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 nitong September 11, na nagbibigay ng ₱165.5 billion na pondo para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments