Titiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa world leaders na magiging mapayapa ang pagbaba niya sa pwesto sa pagtatapos ng termino sa 2022.
Ayon kay Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs Undersecretary Robert Borje, isa ito sa sasabihin ni Pangulong Duterte sa Summit for Democracy na pangungunahan ni US President Joe Biden.
Aniya, bilang isang demokratikong bansa ay dapat magkaroon ng maayos na transition of power sa susunod na administrasyon.
Sinabi pa ni Borje na bahagi rin ng demokrasya ang mapayapa, malinis at tapat na halalan sa susunod na taon.
Facebook Comments