Pangulong Duterte – tiniyak na magiging “nuetral” ang gobyerno sa halalan sa Mayo

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging “neutral” ang gobyerno sa darating na 2019 midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa Kidapawan City, Cotabato, pinaalalahanan ng Pangulo ang pulisya at militar na huwag makikialam sa halalan.

Inatasan niya ang mga ito na maging patas at iwasang pumabor sa kanyang kandidato o sa mga kalaban.


Hindi rin daw niya hahayaan ang anumang uri ng “political terrorism”.

Facebook Comments